Miyerkules, Marso 21, 2018

Pagsusuri ng tula



Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON
Ni : Pedro R. Ricarte

Kayarian ng Tula
            Ang tulang ito ay isang malayang tula na kung saan ay may malayang taludturan at may malayang tugma bawat taludtod. Wala itong sinusunod na sukat at tugma.

Teoryang Pampanitakan
            Ang tulang ito ay pumapaloob sa teoryang Eksistensyalismo. Ang teoryang ito ay nagbibigay o pumapatungkol sa karapatan ng isang tao na pumili o gumawa ng sariling desisyon para sa kanyang sarili.

Sitwasyon sa Tula

            “Nasisiyahan na siya. Siya nama’y kasama lamang.
            Sobra pa marahil sa kanya ang tatangaping pera.
            Balo na siya, walang anak, walang bisyo.
            Sang-ilan pa ba ang kanyang buhay.”

            “Kaylawak ng lupaing itong pinagyayaman
            Ng marami pang katulad nya
            Ngunit ipinagbibili na ng may ari.”


Ang Babae sa Pagdaralita
Ni: Joi Barrios

Kayarian ng Tula
            Ang tulang ito ay isang pasalaysay na kung saan inilalahad ng nasa unang persona ang kanyang kalagayan. Isa itong tulang malaya na walang sukat at tugma.

Teoryang Pampanitikan
            Ang tulang ito ay maaring pumaloob sa teoryang feminismo at sosyolohikal. Feminismo sapagkat isinassad sa tulang ito ang kalagayan ng isang babae at Sosyolohikal sapagkat isinasaad din dito ang kalagayan ng unang persona sa lipunan.

Sitwasyon sa Tula

Teoryang Feminismo
           
            “Nasa ating mga babae ang pakikibaka!
            Kung paanong sa gabi at sa araw
            Ay wala tayog humpay sa paggawa, 
            Kung paanong magkasabay na lumalaban at nag-aaruga
            Matibay ang dibdib pagkat mapagkalinga
            Ang ating pag-ibig.
            Sulong at makibaka!”

Teoryang Sosyolohikal

            “Bababe akong sinasakmal ng kahirapan.
            Kahirapang mistulang
            Ahas sa damuhan,
            Maliksi ang galaw,
            Nagbabadya ang nakasangang dila,
            Makamadag ang kagat.
            Pumupulupot ang ulupong,
            Itong paghihikahos, sa aking katawan,
            At tumatakas ang lakas.”

Moral

            Tayong mga kababaihan ay may sariling boses na dapat ding mapakinggan di lamang ng ilan kundi lahat ng sangkatauhan. Maaari din nating iparinig ang ating boses sa lipunan, an gating mga hinaing at suwestyon. Tayo ay may sariling lakas na handa tayong maipagsabayan kahit pa kanino.



Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang
Ni:  Frank Cimatu

Kayarian ng Tula
            Ang tulang ito ay tuloy tuloy, walang saknong, bawat taludtod ay may tig-iisang salita lamang ngunit nagtatagalay ng tugma.

Teoryang Pampanitikan
            Ang tulang ito ay pumapaloob sa teoryang Historikal, sapagkat nagpapakita ito ng karanasan ng isang lipi ng tao na syang masasalamin sa kasaysayan na bahagi ng kanyang pagkahubog.
Sitwsyon sa Tula

            “Sandaang
            Hakbang
            Papuntang
            Malakanyang.
            DalangNakabulang
            Kartolinang
            Nakapinta’ng
            Pamahalaang
            Suwapang,
            Kinawawa’ng
            Bayang
            Walang
            Kamuwang-
            Muwang”

Paliwanag: Dito ay mapapansin ang di kagandahan ng pamamalakad ng pamahalaan sapagkatt may mga lupon ng to ang nagbibigay oras (nagra-rally )  upang iparating ang kanilang saloobin sa pamumuno ng mga nasa pamahalaan.

Lunes, Marso 19, 2018

Busets


BUSETS

B- Beautiful
U- Understandable
S-  Simple
E- Especial 
T-True Friends, Kalog at
S- Super Kulit