Mapanglaw ang mga Ilaw sa
CALABARZON
Ni
: Pedro R. Ricarte
Kayarian ng Tula
Ang
tulang ito ay isang malayang tula na kung saan ay may malayang taludturan at
may malayang tugma bawat taludtod. Wala itong sinusunod na sukat at tugma.
Teoryang Pampanitakan
Ang
tulang ito ay pumapaloob sa teoryang
Eksistensyalismo. Ang teoryang ito ay nagbibigay o pumapatungkol sa
karapatan ng isang tao na pumili o gumawa ng sariling desisyon para sa kanyang
sarili.
Sitwasyon sa Tula
“Nasisiyahan na siya. Siya nama’y
kasama lamang.
Sobra pa marahil sa kanya ang
tatangaping pera.
Balo na siya, walang anak, walang
bisyo.
Sang-ilan pa ba ang kanyang buhay.”
“Kaylawak ng lupaing itong
pinagyayaman
Ng marami pang katulad nya
Ngunit ipinagbibili na ng may ari.”
Ang Babae sa Pagdaralita
Ni: Joi
Barrios
Kayarian ng Tula
Ang
tulang ito ay isang pasalaysay na kung saan inilalahad ng nasa unang persona
ang kanyang kalagayan. Isa itong tulang malaya na walang sukat at tugma.
Teoryang Pampanitikan
Ang
tulang ito ay maaring pumaloob sa teoryang feminismo
at sosyolohikal. Feminismo
sapagkat isinassad sa tulang ito ang kalagayan ng isang babae at Sosyolohikal
sapagkat isinasaad din dito ang kalagayan ng unang persona sa lipunan.
Sitwasyon sa Tula
Teoryang Feminismo
“Nasa
ating mga babae ang pakikibaka!
Kung paanong sa gabi at sa araw
Ay wala tayog humpay sa paggawa,
Kung
paanong magkasabay na lumalaban at nag-aaruga
Matibay ang dibdib pagkat
mapagkalinga
Ang ating pag-ibig.
Sulong at makibaka!”
Teoryang Sosyolohikal
“Bababe
akong sinasakmal ng kahirapan.
Kahirapang mistulang
Ahas sa damuhan,
Maliksi ang galaw,
Nagbabadya ang nakasangang dila,
Makamadag ang kagat.
Pumupulupot ang ulupong,
Itong paghihikahos, sa aking
katawan,
At tumatakas ang lakas.”
Moral
Tayong
mga kababaihan ay may sariling boses na dapat ding mapakinggan di lamang ng
ilan kundi lahat ng sangkatauhan. Maaari din nating iparinig ang ating boses sa
lipunan, an gating mga hinaing at suwestyon. Tayo ay may sariling lakas na
handa tayong maipagsabayan kahit pa kanino.
Sandaang Hakbang Papuntang
Malakanyang
Ni: Frank Cimatu
Kayarian ng Tula
Ang
tulang ito ay tuloy tuloy, walang saknong, bawat taludtod ay may tig-iisang
salita lamang ngunit nagtatagalay ng tugma.
Teoryang Pampanitikan
Ang
tulang ito ay pumapaloob sa teoryang Historikal,
sapagkat nagpapakita ito ng karanasan ng isang lipi ng tao na syang
masasalamin sa kasaysayan na bahagi ng kanyang pagkahubog.
Sitwsyon sa Tula
“Sandaang
Hakbang
Papuntang
Malakanyang.
DalangNakabulang
Kartolinang
Nakapinta’ng
Pamahalaang
Suwapang,
Kinawawa’ng
Bayang
Walang
Kamuwang-
Muwang”
Paliwanag: Dito
ay mapapansin ang di kagandahan ng pamamalakad ng pamahalaan sapagkatt may mga
lupon ng to ang nagbibigay oras (nagra-rally ) upang iparating ang kanilang saloobin sa
pamumuno ng mga nasa pamahalaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento